Blog

Bus ride going home







Bus Ride Going Home

hm transport bus to laguna

photo from

http://www.backpackingphilippines.com/2009/04/bus-laguna-calamba-los-banos-pagsanjan.html

A short story about our bus ride on our way home from Firefox Celebration , what is the topic? MARKETING..

Did you know that bus vendor(s) have their own strategy on selling their products.

ikwento ko sa inyo dito.

Nakapwesto kami sa may bandang likod ng bus.

Tindero ng Kasoy,

kasoy

photo from http://www.marketmanila.com/archives/kasoy-cashew-nuts-part-ii

pagpanik palang sa bus sigaw na agad si manong “Oi, kasoy kayo jan.. libangan sa biyahe

Ano daw? Libangan? Pano mo lilibangin sarili mo gamit ang kasoy. Nagpapatawa siguro si manong.Nagtanong si sir jun kung magkano kasoy(gusto siguro maglibang). “May bente may forty” sabi ng tindero. Bili si sir jun, bente pesos, biglang banat ng tindero “napilitan lang ho ata kyo bumili“. Tawanan kami sa bus. Sabay abot ng kasoy at ng bente pesos. Makulit din si manong, sabay alok ulit sa ibang pasahero ng biglang my sumingit na isa pang tindero.

adobong_peanuts

photo from http://bursky.wordpress.com/2007/10/24/lpy2-heroes/

Tindero ng Mani, sumigaw ng “Mani, mani, mani kayo jan. Pwedeng pasalubong sa biyenan nyong mainitin ang ulo pwede rin sa kapitbahay“, hagalpakan kami ng tawa. Tuloy parin sa paglalako si Manong Mani, pero ng umabot sa dulo ng bus at walang nabenta biglang bumanat ng “Ayaw niyo? Itatapon ko to!!!” Lalo pa tuloy nagtawanan sa loob ng bus.

Madaming ngtitinda eh, meron dunkin donut, candy, nova, vcut at kung ano-ano pang junk foods.. haha..

May bago na namang tindero na pumanhik sa bus,

Tindero ng ponkan, malilit lang ung tinda nya walo sikwenta daw. Walang bumibili, pagdating sa dulo ng bus naging siyam sikwenta nalang. Pero wala talagang bumili.

Tindero ng ponkan ulit, pero malalaki ung tinda niya walo isang daan. Sabi ko nung una ang mahal aun pala mas malaki un tinda nya keysa dun sa nauna. Sya pnakamabenta at pinakamagaling ang strategy. 2 beses na alok palang may bumili na agad sa kanya mga dalawang pasahero ata. Pagdating sa may bandang huli, naging siyam isangdaan, sabay sigaw ng isang pasahero “free taste”.

Sagot naman si manong, pwede daw free taste basta wag lang uubusin kasi malulugi xa.. Hahaha.. Isa pang punchline ni manong, “Matamis po ung tinda ko, kpag tinikman niyo mapapangiti kayo sa tamis.” Kakulitan namin si manong hanggang sa naging 10 isangdaan yun tinda nya pero pabulong lang ang alok, sa amin lang ata sinabi kasi pagbalik sa unahan 8 isangdaan na ulet.

Grabe, ang kukulit ng mga tindero sa bus pero madiskarte.

Ooops, teka may pahabol pa ko, hindi nmn tindero kundi missionary nanghihingi ng tulong sa lahat ng pasahero ng bus may kasamang letter, dapat mo daw basahin para malaman ang kanilang adhikain. Parang yung mga namamalimos na bata sa crossing calamba or sa halang, same teknik lang.. hehe.. Yun, tapos tulugan na sa biyahe. Hahaha..

Sana na-enjoy nyo post ko.. I need  some comments.. Please.. hehehe..

Incoming search terms:






Leave a Reply

More in news (161 of 245 articles)


Firefox is Love its Everywhere - winning quote of the event. The celebration of Five Years of Firefox in ...