Nag duty ako sa bahay ni Rizal 10:00-12:00, umalis ako sa San Pablo City ng 8:30am hindi pa masyado malakas ang ulan nun kaya tumuloy ako.
Nung nkarating ako sa bahay ni Rizal saglit lang kami pinagduty kasi gawa nga ang lakas ng ulan. Sa crossing ako sumakay pauwi, nang nakasakay na ako pinapabalik na ng ibang driver yung jeep namin kasi hindi na nga kaya yung baha pero tumluloy parin, nung tumigil kami sa tapat ng Venue ang taas na sobra ng baha kasi ung dalawang ilog umapaw na sa kalsada, kaya tumigil kami hanggang bumaba ng konti ang baha
Nang bumaba ang baha ng hanggang bewang nakipagsapalaran na yung jeep namin pero hindi kinaya hanggang nasiraan na kmi sa gitna at ang taas na ulit nung baha at pinapasok na ng baha ung jeep, buti na lang madaming mga tao dun na tumulong para itulak ung jeep namin, ka-close ko na nga lahat yung mga sakay sa jeep eh.
Nang naitabi na ung jeep namin inintay na lng namin bumaba ung baha, hanggang dumating na ang mga ARMY sa canlubang pero wala din silang nagawa hehehe, nang bumaba na ung baha sa Halang sinubukan kong maglakad na hanggang tapat ng Burger King at napansin ko na may basag din ang mga salamin ng BK, gusto ko na ulit bumalik kasi taas parin ng baha at dami boraks kaso hindi ako nakabalik kasi gawa nga nung mga boraks nakatakot eh hehe, ilang oras akong nkaistambay doon hanggang nakita ko si Mam jen na nakipagsapalaran na, dun lumakas loob ko na makipagsapalaran na rin.
Hinubad ko ang sapatos ko, lumusob na sa baha papuntang apartment sa dapdap. Gabi na ko nakarating sa apartment mga 6:00pm na un, hindi pa ko nkain nun oras na un buti na lng andoon sa kabilang apartment ung iba kong tropa andoon din si Enteng Abarcar na taga San Pablo din.
Nag pasundo ako galing SPC kasi hindi ko na kaya at bagsak na katawan ko. Mga 8:00pm dumating ung sasakyan namin sa bagong kalsada at hindi umaandar ang mga sasakyan kasi sobrang baha pa sa pansol, sabi na lng sakin nun driver na susundo sakin eh magsakay na daw ako hanggang bagong kalsada at sumakay ng bus na pwedeng makalusot sa pansol o bumitin na lng sa trak, kasama ko na si Enteng nitong oras na to at walang nagpapasakay samin dalawa hehe, buti na lang makwela si enteng kaya hindi nkakainip.
May dumaan na trak ng coast guard at pinasakay kami hanggang makalampas lng ng bucal, nilakad na namin ni enteng ang baha na hanggang bewang na naman hehe imbis na mamroblema kami tawa pa kmi ng tawa, nilakad namin ni enteng hanggang Sun City kasi andun ung sasakyan. Nang nakasakay na kmi napaka laking ginhawa ang aming naramdaman hahahah. Hindi ko na inisip na magpipicture pa kasi inisip ko muna sarili ko.. ^^
Ok na din yung nangyari sakin kasi experience sakin at naramdaman ko ang concern sakin ng aking mga kaibigan,kapamilya,<oink>. at natutunan kong maki halubilo sa mga hindi ko kilala at makipag tulungan talga, bless parin ako kasi hindi ako pinabayaan ni God. mas marami pang tao ang mas sobra ang nagyaring experience kesa sakin, kaya ko to na-ishare kasi para matuto na tayong mga tao na alagaan ang kalikasan ^_^
hehehehehe..
-Anonymous IT student.
UPDATE – another side of the story
Umalis ako sa bahay ng 8:30 ng umaga kahapon(6/26/09) para pumasok at gumawa ng thesis sa sobrang kasipagan ko. Inabot na kmi ng malakas na ulan at malakas na hangin una pa lng hindi na kmi makaalis ng letran kasama ko sina CB, KRIS, RENJUDE, BAGUI (thesis mode rin)..Hindi talaga kmi makaalis sa skul dahil sobrang lakas ng ulan..tambay mode nga kmi sa ICST building..gala na rin sa letran kahit malakas ulan..hehehe..ung medyo humina ulan. Umuwi na kmi..
Unang nakauwi sina CB at KRIS at c RENJUDE..Kmi ni bagui ang natira..mga 2hours kmi nag iintay ng jeep wla talagang nadaan kahit isa..wla na daw biyahe..nag stay muna kmi sa apartment nina PAM..kasama si bagui.. buti nalang nakita ko c JELLO DEMESA dun din sa apartment..nung pauwi na kmi as in wlang pa rin nag sasakay sa amin..buti na lng may truck ng coast guard na dumaan..kinausap namin dalawa ni jello ung driver ng truck..na kung pwede na sumabay sa kanila..buti na lng mabait ung mga taga-coast guard pinasakay kmi..
E2 pa malupet sa truck may kasabay kming mga bading.(hehehe). After un binaba kmi ung truck dun sa may skul sa pansol..simula un..naglakad na kmi ni JELLO DEMESA sinulong namin ang baha na almost hanggang bewang..(grabe talga first time ko ginawa un)..enjoy naman kmi ni jello tawa lng kmi ng tawa..may nakita kmi patrol ng barangay pinasakay ulet kmi..pero bumaba kmi agad..lakad ulit hanggang SUN city..puro putik paa ko at short ko..nakarading ako sa bahay namin 11PM na..
Buti na lng nakauwi kami ng safe ni JELLO.. hindi na ako papasok pag may bagyo ulet..baka sumulong nanaman ako sa baha n2.(hehehe))..tnx ulet kay JELLO..
E2 lng masasabi ko isa akong SURVIVOR..whahaha..**clap clap** **flowers flowers**
-Enteng Abarcar
