Blog

CHED: Class opening in colleges postponed to June 15






MANILA – Kahit walang rekomendasyon ng Department of Health (DOH), nagdesisyon ang Commission on Higher Education (CHED) nitong Sabado na ipagpaliban ng isang linggo ang pagbubukas ng klase sa mga pamantasan at unibersidad sa Lunes dahil sa pangamba sa Influenza A(H1N1) virus.

Ayon kay CHED Chairman Emmanuel Angeles, sapat na umano ang isang linggo upang magself-quarantine ang mga estudyanteng nanggaling sa ibang bansa.

“Ang dahilan dito ay marami tayong foreign students na nag-aaral sa ating bansa na nanggagaling sa iba’t ibang bansa na mayroong mga swine flu victims,” paliwanag ni Angeles sa panayam ng dzRB radio.

Nitong Miyerkules, kinansela ng De La Salle University (Taft) ang kanilang klase ng 10 araw matapos magpositibo sa A(H1N1) ang isa nilang dayuhang mag-aaral. Nitong Biyernes, umabot na sa tatlong mag-aaral sa DLSU ang kumpirmadong magkaroon ng virus.

Sinabi ni Angeles na ang masamang lagay ng panahon ang isa ring dahilan kaya nagdesisyon silang ipinagpaliban ang pagbubukas ng klase sa Lunes.

Bukod dito, marami rin umanong magulang ang nahihirapan sa paghahanap ng pambayad sa tuition ng kanilang anak. Dahil papatak sa araw ng sahod ang pasukan (kinsenas), may mapagkukunan na umano ng pambayad sa matrikula ang mga magulang.

“It will not adversely affect the schedule of classes,” pagtiyak naman ng opisyal.

Nitong Biyernes, limang unibersidad ang naunang nagdeklara na ipagpaliban ang pasukan sa Lunes dahil na rin sa banta ng A(H1N1) virus.

source: GMANEWS.TV

Note:

Letran Calamba has officially announce that classes for college students moved to June 15, 2009.

Nagtanong ako sa guard kanina sa Information na official na nga daw na sa June 15 na ang pasukan.

Ako: Official na po ba na walang pasok ang college sa monday..

Lady Guard: Oo, official na sabi ni Dr. Odejar.

Ako: Ah,ok po salamat!.

Behind the scene (Sir Jun kuha ng susi, sabay kamo’t ulo).

UPDATE  1: Video


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

video from GMANEWS.TV

Incoming search terms:






  1. kenken06-06-2009

    pti po dto sa malolos sa june 15 na?

  2. adminadmin06-06-2009

    base kasi sa balita, nationwide un class opening in colleges sa june 15.. mabuti na cguro magtanong kayo or tumawag sa school nyo para mas official un announcement..

  3. emem06-06-2009

    pati din bah dito sa cebu?

  4. rAchelrAchel06-07-2009

    kanina pmnta aq zah ccm.. at tnanung qu zah mga guard duon, kng pti b cla mag.ppostponed ng klase, ang sgot nla ay hnd nla alm dhl uala png announcement n bnbgai ang skul.. pntahan nlng dw bkaz f evr man.. tzk.tzk..

  5. TikoyTikoy06-14-2009

    Bukas na ang pasok ng college???

  6. adminadmin06-14-2009

    sa letran-calamba po june 15, d ko lam sa ibang schools..

    Leave a Reply

    More in letran, news (258 of 266 articles)


    NEC’s huge CRV43 LCD display - which offers a gently curving 43-inch 2,880 x 900resolution panel - has finally got ...